Sunday, July 29, 2018

Scalp Sore Treatment




May scalp sore ba ang mga chikiting nyo? Ano anong treatment ang ginawa nyo para magamot ito? I'll share my story and I hope that it will helps...

                 Last year, nagkascalp sore ang anak kong 6 years old by that time. Nagkascalp sore sya dahil sa kakakamot. Lagi kc syang may kuto. Sa kakakamot nya, nagkakasugat ang ulo nya. At first, lagi ko lang nilalagyan ng betadine or penecilline ang mga blisters like p lng sa ulo nya. After a few days, dumami na ang mga sugat nya sa ulo at medyo malalaki na. Meron ng mga nana ang mga sugat at may makakapa kang parang bukol sa ulo nya kc namumuo ung mga nana. Pinadoctor ko sya at ang nereseta ng doctor ay Cloxacillin at Anti-histamin na gamot. Okay naman kc gumagaling ang mga sugat nya pero nong naubos ang gamot ay bumalik at di n ako makabili ng gamot kc need ng reseta ng doctor so pinacheck up ko sya ulit. After na naubos ang gamot, di pa din gumaling kc may mga tumutubong blisters p din sa ulo nya at pagkinamot ay nagiging sugat ulit. Bumili ako ng gamot under the table kc pag pinacheck up ko ulit at gastos n naman. Pabalik balik pa din kc di tumitigil kakakamot sa ulo ang anak ko. Nagresearch ako ng mga natural way treatment kc ayaw ko ng paimumin ang anak ko ng anti-biotic kc sabi nila baka tamaan na ung mga internal organs nya pagnasobrahan. Tinry ko ung suka.. after nya maligo ung pambanlaw sa ulo nya ay tubig na may suka. Di tumalab. Tinry ko ung mga anti-fungal cream pero wala pa din. Vaseline shampoo daw pero wala pa din. Tea tree oil pero wala ako makitang tea tree oil sa department store or drugstore kaya naisip kong bilhan sya ng Herbal Shampoo. Ung unang Herbal Shampoo na binili ko ay Moringa Shampoo ung violet ang bottle, meron syang anti-itch formula. Pinapaligo ko sya umaga at specially sa gabi after ng whole day na laro. After ng ilang days na gamit, medyo nabawasan ang mga sugat nya at pansin mo na di na masyado nagnanana ang mga sugat. Nong naospital ako ng 1 week, di ko namonitor ang anak ko, pag uwi ko nicheck ko ung ulo nya at OMG may mga scalp sore n nman sya at tinanong ko kung may shampoo pa sya sabi nya naubos na daw..
                    Nong pumunta ako sa isang department store, nagtingin na nman ako ng herbal shampoo. Wala akong makitang Moringa shampoo na violet ang bottle. Then nakita ko ung Lauat Herbal shampoo, may anti-itch formula din sya so binili ko. Ito ung sinashampoo ko sa anak ko every morning at bago matulog, after a week, believe it or not, wala na akong nakakapang mga bumps sa ulo ng anak ko at scalp sore free na rin sya. Di pa naubos ung 60ml na binili ko pero as in wala na syang mga sugat ulo.. Lauat Shampoo 60ml is P90 or P70 pesos only.